
Ang Kongreso ay nag-aaral ng pagtaas ng sahod ng mga social workers sa bansa. Sa isang pagdinig sa loob ng DSWD, tinalakay ang mga panukalang batas na nag-aamenda sa Magna Carta for Public Social Workers.
Ayon sa mga panukala, ang entry-level salary ng social workers ay itataas mula Salary Grade 13 hanggang Salary Grade 15. Nakasaad din na ang bawat municipal social welfare position ay dapat pangunahan ng licensed social worker at dapat ay plantilla position.
Ani DSWD Secretary Rex Gatchalian, “Ito ay mahalagang hakbang upang makahikayat ng kabataan na pumasok sa larangan ng social work. Hinihikayat namin ang komite na suportahan ang mga social workers sa pamamagitan ng angkop na batas.”
Kasabay nito, itinutulak ng DSWD ang institutionalization ng kanilang ‘Walang Gutom’ program. Nagbibigay ito ng P3000 food credits sa mabababang kita na pamilya upang makabili ng masustansyang pagkain.
Ayon kay Gatchalian, “Bagamat mayroong EO na sumusuporta sa programa, mas matibay kung ito ay may batas tulad ng 4Ps, upang tuloy-tuloy at protektado ang pondo hanggang 2028.”




