
Ang lifestyle brand na GARRACK, kilala sa mga collab sa anime tulad ng Jujutsu Kaisen at Attack on Titan, ay naglabas ng bagong Chainsaw Man Reze Arc Smartwatch. May apat na modelo ito—Denji, Reze, Makima, at Aki—na may sariling disenyo at effects na bagay sa bawat karakter. Ang presyo ay 9,900 yen at available na sa pre-order sa website ng GARRACK.
May espesyal na heart-rate effects, kung saan nagbabago ang karakter sa screen kapag tumaas ang tibok ng puso. Kapag may notification, lumalabas si Pochita, at may unique na battery animation bawat modelo. Magaan din ito—14g lang—kaya hindi mabigat suotin buong araw.
May fast charging, kung saan 5 minutes charge ay tumatagal ng halos 2 araw. Kapag full charge, tumatagal ito ng hanggang 14 days. Naka-equip din sa stress detection, sports tracking na may 100 modes, sleep monitoring, blood oxygen check, at iba pang daily functions.

Narito ang apat na designs:
• Denji – Nagiging Chainsaw Man kapag tumataas ang heart rate; umiiksi ang chainsaw kapag low battery.
• Reze – Nagiging Bomb Devil kapag tumataas ang heart rate; umiiksi ang fuse kapag low battery.
• Makima – Lumalabas ang color pattern sa screen; humihina ang steam ng coffee kapag low battery.
• Aki – Nagiging mas malinaw ang kulay; umiiksi ang yosi kapag low battery.
Kasama sa bawat set ang special box at quick-release straps na madaling palitan.




