Ang CHROMAKOPIA ni Tyler, the Creator ay ipinagdiriwang ang unang anibersaryo sa pamamagitan ng bagong LP at CD box sets.
Kasama sa drop ang 2LP opaque white vinyl na may gatefold package, embossed detail, at 20-page booklet. May CD version din na kapareho ng packaging ng LP at kumpleto sa lahat ng kanta, kasama ang “MOTHER.”
Dalawang CD box sets naman ang inilabas: may option na may kasamang vinyl toy statue o keychain figure. Parehong may poster at mini shipping container box bilang alaala. Ang vinyl toy statue ay mabibili rin nang hiwalay.
CHROMAKOPIA ang pangatlong No. 1 album ni Tyler. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pinakamataas na streaming week at naging dahilan ng kanyang world tour, kung saan inilabas niya ang “DON’T TAP THE GLASS.”
Lahat ng items ay available na ngayon online at maaaring umabot sa presyo mula ₱4,500 hanggang ₱12,000, depende sa variant na pipiliin.






