
Ang Frieren: Beyond Journey’s End manga ay indefinite hiatus dahil sa health concerns ng author na si Kanehito Yamada at illustrator na si Tsukasa Abe. Nasa gitna ito ng hype para sa Season 2 anime adaptation.
Hindi ito unang beses na nag-hiatus ang manga. Noong Enero, nag-stop din ito dahil sa parehong dahilan at bumalik lang noong Hulyo. Pagkatapos ng 6 chapters sa loob ng dalawang buwan, biglang nag-indefinite break ulit, kaya nag-aalala ang fans sa kalusugan ng creators at sa magiging takbo ng storyline.
Good news naman dahil hindi maaapektuhan ang Frieren Season 2 na lalabas sa Enero 16 next year. May sapat pang chapters para makagawa ng isang buong season. Pero hindi pa sigurado kung maaapektuhan nito ang Season 3 kung magtutuloy-tuloy ang mga hiatus.