Ang Davao Oriental ay muling niyanig ng isang malakas na lindol Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng PHIVOLCS. Naitala ang Magnitude 5.5 na lindol sa dagat malapit sa Mati City.
Nangyari ito bandang 6:27 PM na may lalim na 11 kilometro. Ang sentro ng lindol ay nasa 88 kilometro silangan ng Manay.
Naramdaman Intensities:
Intensity IV – Manay, Davao Oriental
Intensity III – Mati City, Davao Oriental
Intensity II – Tandag City, Surigao del Sur
Ayon sa instrumental intensities, nakaramdam din ng pagyanig ang mga bayan sa Davao Occidental, Davao de Oro, Sarangani, Davao del Sur, South Cotabato, Sultan Kudarat, Misamis Oriental, Southern Leyte at iba pang karatig lugar.
Noong Biyernes ng umaga, isang Magnitude 7.4 na lindol ang tumama sa dagat malapit sa Manay, kasunod naman ang Magnitude 6.8 na lindol bandang gabi. Patuloy ang pagbabantay sa posibleng aftershocks sa mga susunod na araw.