Ang all-new Honda Prelude ay mabilis na naging sales success sa Japan. Kahit hawig ito sa dalawang pintong Prius at gamit ang 2.0-liter hybrid engine ng Civic e:HEV, marami pa rin ang nahikayat—lalo na ang mga nasa edad 50s at 60s.
Isang buwan matapos ilabas, umabot na sa 2,400 units ang total orders. Malayo ito sa monthly sales target na 300 units o halos ₱13.4 milyon kada buwan kung i-convert mula sa Japan price. Malakas ang hatak nito bilang secondary car para sa mas nakatatandang buyers.
Hindi masyadong ibinenta bilang purong sports car ang Prelude, pero natuwa ang mga buyers sa malaking cargo space na kasya ang dalawang golf bag o dalawang maleta. Bukod pa rito, pinuri rin ang wide at low design, pati ang magandang suspension at chassis performance.
Pinakapopular na kulay ang Moonlit White Pearl (63%), kasunod ang Meteoroid Gray Metallic (16%), Crystal Black Pearl (11%), at Flame Red (10%). Ang mas “bata” na Boost Blue ay bihira lang piliin.
Dahil sa magandang pagtanggap sa Japan, may usap-usapan na maaaring ilabas din ang Prelude sa Pilipinas. Kung mangyari ito, malaking chance na makuha rin nito ang interes ng mga mahilig sa classic sporty coupes.