Ang Galaxy Z Fold7 ay pinakabagong foldable phone mula sa Samsung na may Galaxy AI para sa mas mabilis at mas matalinong trabaho. Sa bigat na 215 grams at kapal na 8.9 mm, ito ang pinaka-magaan at manipis na foldable na nagdadala ng productivity on-the-go.
Para sa Intelligent Multitasking, kaya ng malaking screen ng Z Fold7 magbukas ng maraming apps sabay-sabay. May features itong AI Results View at Drag & Drop, para mas madali ang paglipat ng text o larawan mula sa isang app papunta sa iba.
Sa Smart Tools, meron itong Note Assist na nag-aayos at nag-susummarize ng notes. Ang Transcript Assist ay nagta-transcribe ng meeting recordings at kaya ring mag-translate ng ibang wika. May Writing Assist din na nag-aadjust ng tono ng text at nagbibigay ng real-time translation para sa mas malinaw na usapan.
Para sa All-Day Performance, gamit nito ang Qualcomm Snapdragon 8 Elite processor at 4400 mAh smart battery na marunong mag-adjust ng power base sa routine mo. Kaya nito ang multitasking at heavy apps nang mabilis at smooth.
Available ito sa apat na kulay: Blue Shadow, Jetblack, Silver Shadow, at Mint (exclusive online). Kapag bumili ka ng Galaxy Z Fold7, makakakuha ka rin ng expanded access sa Google AI Pro, 2TB cloud storage, at hanggang ₱5,000 discount kapag one-time payment gamit ang credit/debit card, bank transfer, o e-wallet hanggang Setyembre 30, 2025.