Ang Kia PV5 ay isang bagong all-electric van na parang galing sa sci-fi movie. Imbes na gawing electric ang lumang platform, ginawa ito mula sa E-GMP.S platform na espesyal para sa electric vehicles.
Kahit sukat nito ay kasing-laki lang ng compact MPV (4,695 mm haba, 1,895 mm lapad, 1,899 mm taas), ang loob ay maluwag gaya ng full-size van. Kasya hanggang 7 tao o kaya’y may 3,615 liters space kapag nakatiklop ang upuan. Sa cargo mode, meron itong 5.2 cubic meters—kasing laki ng ibang malalaking van.
Disenyo ng PV5 ay kakaiba—geometric lines, DRLs na konektado sa A-pillar, at bumper na madaling palitan. Praktikal din ito gamit ang scratch at stain-resistant materials at roof mounting points para sa dagdag accessories. Modular ang disenyo kaya para itong Lego, na may iba’t ibang variant depende sa gamit.
Sa loob, may 7.5-inch instrument cluster at 12.9-inch center screen gamit ang Android-based system. May opsyon sa dalawang battery sizes: 51.2 kWh at 71.2 kWh na kayang umabot ng 412 km range. Mayroon ding mas maliit na 43.3 kWh LFP battery para sa cargo variant. Tinatayang presyo ng ganitong EV van ay maaaring umabot mula ₱2.5M hanggang ₱3M, depende sa specs.
Para sa performance, may 163 hp at 250 Nm torque na single-motor front drive. Hindi sobrang mabilis, pero sapat para sa daily gamit at komportableng biyahe. May Smart Regenerative Braking, mababang sentro ng grabidad, at maayos na handling. Sa future, ang PV5 ay magiging simula ng mas malawak na EV commercial vehicle line-up ng Kia, kasama ang PV7 at PV9.