Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsampa ng 70 kaso laban kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at kanyang pamilya. Sila ay inakusahan ng paggamit ng pekeng dokumento kaugnay ng kanilang mga negosyo at ari-arian sa Marilao, Bulacan.
Kasama sa kinasuhan sina Shiela Leal (kapatid), Seimen (kapatid) at Lin Wen Yi (kinakasama ng kanilang ama). Ayon sa NBI, nagsumite sila ng pekeng articles of incorporation, secretary’s certificate, at general information sheet para sa anim na kumpanya: QJJ Group of Companies, QSeed Genetics, QJJ Meat Shop, QJJ Slaughter House, QJJ Smelting Plant at QJJ Embroidery Center.
Itinuturing ng NBI na 30 bilang ng falsification of public documents ang ginawa ng pamilya Guo. Mayroon ding 30 kaso ng paglabag sa Anti-Dummy Law dahil nagpakilalang mga Filipino citizen sila sa papeles ng negosyo kahit na ebidensiyang Chinese nationals sila.
Bukod dito, may dagdag na 4 kaso ng falsification para sa pekeng detalye sa business permits at building permits ng kanilang mga kumpanya. Si Guo ay may hiwalay pang 6 kaso ng falsification matapos umanong pekein ang deed of sale at documentary stamp ng isang lupain na 4,636 sqm sa Bulacan na binili niya noong Oktubre 5, 2010 sa halagang ₱2,000,000.