Ang kilalang game creator na si Hideo Kojima ay nag-anunsyo ng bagong horror game na pinamagatang OD, kasama ang direktor na si Jordan Peele. Ang cast ay kinabibilangan nina Sophia Lillis, Udo Kier, at Hunter Schafer.
Sa tatlong minutong teaser, ipinakita si Sophia Lillis na pumasok sa isang silid, nag-sindi ng kakaibang kandila, at nakarinig ng malakas na knocking sound. Sa huli, biglang may misteryosong presensya na sumunggab sa kanya bago lumabas ang pamagat na OD at salitang KNOCK — hango sa personal na takot ni Kojima sa malalakas na katok.
Ginawa gamit ang Unreal Engine 5 at MetaHuman tools, ang laro ay naglalayong magpakita ng photorealistic visuals at kakaibang gameplay na parang pinaghalo ang laro at pelikula. Marami ang nagkumpara dito sa na-cancel na viral project ni Kojima na P.T., na kilala sa kanyang kakaibang estilo ng interactive horror.
Nakipag-collaborate si Kojima kay Jordan Peele para mas maging malalim at cinematic ang karanasan. Wala pang petsa ng release na inanunsyo para sa bagong laro.