Ang Bimota Tesi H2 TERA ay opisyal nang inilunsad sa Pilipinas. Adventure-touring na motor ito na pinagsasama ang Italian luxury design at Kawasaki supercharged power.
Ito na ang ika-apat na Bimota model sa bansa matapos ipakilala ang Tesi H2 noong 2022. May dala itong kakaibang Tesi chassis, gamit ang 998cc Kawasaki H2 supercharged engine para sa matinding bilis. May kasama rin itong hub-center steering system at espesyal na Anlas tires para sa kontrol at ginhawa kahit anong daan.
Bukod sa performance, dala rin nito ang eksklusibong Italian craftsmanship. Kilala ang Bimota sa kakaibang disenyo at limitadong produksyon na hinahangaan ng maraming rider at collector sa buong mundo.
Opisyal na kinumpirma na ang Tesi H2 TERA ay ang kauna-unahang unit sa Asia. Sa ngayon, ito ay na-acquire ng isang kilalang motorcycle club na mahilig sa exotic at high-performance superbikes.
Ang presyo ay hindi pa inilalabas nang opisyal, pero may kumpirmasyon na ito ay nasa humigit-kumulang ₱4,000,000. Eksklusibong mabibili lamang ang Bimota sa pamamagitan ng Wheeltek Motor Sales Corporation dito sa bansa.