Ang bangkay ng isang dalagita ang natagpuan sa loob ng Tesla na nakarehistro sa US rapper na si D4vd. Ayon sa ulat ng mga awtoridad sa Los Angeles, ang katawan ay nabulok na at pira-piraso, nakabalot sa plastic, at matagal nang nasa loob ng sasakyan bago madiskubre.
Kinilala ng mga medical examiner ang biktima bilang si Celeste Rivas, na dapat ay 15 taong gulang na ngayon. Nawala siya noong Abril ng nakaraang taon sa Lake Elsinore. Sinabi ng mga pulis na halos isang buwan na nakaparada ang Tesla sa Hollywood Hills bago ito mahila papunta sa tow yard kung saan naamoy ng mga residente ang masangsang na amoy.
Ang sasakyan ay nakarehistro sa totoong pangalan ni D4vd, David Anthony Burke, at hindi na-report bilang nawawala. Ayon sa kinatawan ng rapper, nakikipagtulungan siya sa imbestigasyon. Sa kabila ng nangyari, ipinagpapatuloy ni D4vd ang kanyang world tour at nakatakdang tumugtog sa Greek Theatre sa Los Angeles ngayong weekend.
Ang 20-anyos na rapper ay unang sumikat noong 2022 matapos pumatok sa TikTok ang kanyang kanta na “Romantic Homicide.”