Ang Nation’s Girl Group, BINI, ay kumpirmadong magpe-perform sa Coachella 2026 sa Abril 10 at 17. Sila ang unang all-Filipino girl group na aakyat sa entablado ng sikat na festival. Inanunsyo ngayong Setyembre 16 ang full lineup ng Coachella.
Matagal nang pangarap ng BINI ang makapag-perform dito. Sa isang interview noong Pebrero, sinabi ni Jhoanna: “Manifesting. Hopefully, Coachella po.” Ngayon, natupad na ang kanilang wish.
Ito ay dagdag sa mga tagumpay ng grupo matapos ang kanilang Biniverse World Tour 2025 na tumigil sa US, Canada, UK, at UAE, pati na rin ang paglabas ng BINIverse EP at pakikipag-collab sa mga international artists.
Kasama sa lineup ngayong taon sina Justin Bieber, Sabrina Carpenter, at Karol G. Gaganapin ang festival mula Abril 10–12 at Abril 17–19, 2026 sa California.
Magiging available ang tickets sa Setyembre 20, 2:00 AM (PH Time), at inaasahang aabot sa higit ₱15,000 ang presyo depende sa package. Taun-taon, mahigit 250,000 fans ang dumadayo sa festival, isa sa pinaka-malaking music event sa buong mundo.