
Ang pagpatay kay Charlie Kirk, isang kilalang konserbatibong influencer at kaalyado ni Donald Trump, ay nagdulot ng mainit na usapan sa politika sa Amerika. Si Kirk ay binaril noong Setyembre 10, 2025 habang nagsasalita sa isang unibersidad sa Utah.
Kinilala ang suspek na si Tyler Robinson, 22 taong gulang. Ayon sa Gobernador ng Utah na si Spencer Cox, ang suspek ay may romantikong relasyon sa isang transgender partner at may leftist ideology batay sa impormasyon mula sa pamilya at mga kaibigan.
Sinabi pa ni Cox na ang partner ng suspek ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon at walang kaalam-alam sa plano ng pamamaril. Dagdag pa niya, patuloy nilang sinusuri kung ang isyu sa gender identity ay may kinalaman sa motibo ng pagpatay.
Si Kirk ay kilalang kritiko ng transgender movement. Kamakailan lamang ay tinawag niya itong isang “trans delusion death cult.” Dahil dito, mas lalong umiinit ang pagtatalo kung ang kanyang matinding pahayag laban sa gender ideology ay may koneksyon sa kanyang pagpatay.
Isang memorial service para kay Kirk ang nakatakdang gawin sa Arizona sa Setyembre 21, 2025, at inaasaha