Ang AI ngayon ay mabilis kumukuha ng content online, pero hindi ito nagbibigay ng bayad o credit sa mga gumawa. Dahil dito, maraming Filipino content creators at media ang nawawalan ng kita dahil hindi na bumabalik ang mga tao sa mismong website kung saan galing ang impormasyon.
Ayon sa Cloudflare, 65% ng mga AI bots ay ginagamit sa training, habang 21% ay para sa search. Sa loob ng walong buwan ng 2025, kakaunti lang ang bumabalik na traffic sa mga site. Halimbawa, may mga AI bots na kada 5,400 beses na crawl, isang beses lang sila nagdadala ng reader pabalik sa website. Malaking bawas ito sa kita at views ng mga creators.
Para protektahan ang content, nagpakilala ang Cloudflare ng tool kung saan puwedeng harangin o payagan lang ang AI bots. May plano rin silang pay-per-crawl model, ibig sabihin, bawat beses na gagamitin ng AI ang content, puwedeng maningil ang mga site owners. Halimbawa, kung maniningil ng ₱5 kada crawl, malaking dagdag kita ito para sa mga creators at media companies.
Bukod sa usapin ng kita, may banta rin sa cybersecurity dahil sa AI. Tumaas ang mga data breach at DDoS attacks sa bansa. Noong 2024, halos 46% ng Philippine firms ang nakaranas ng data breach, mas mataas kumpara sa Asia-Pacific average na 40%. Naitala rin ang halos 21 milyon na DDoS attacks sa Pilipinas.
Dahil dito, mahalaga na magtulungan ang gobyerno at tech companies para turuan ang mga Pilipino kung paano protektahan ang kanilang data at content online. Ayon sa Cloudflare, kailangang palakasin ang awareness, skills, at systems para maging handa laban sa mas kumplikadong AI-driven attacks.