
Ang Apple Watch Series 11 ay opisyal nang inilabas at puno ng bagong health features. Ito ang pinakaunang smartwatch na may 5G connectivity, kaya mas malakas ang signal. Mayroon din itong bagong watchOS 26 at Liquid Glass design, mas matibay at mas manipis kaysa sa naunang modelo.
Isa sa mga pinakabagong tampok nito ang Hypertension notification. Gamit ang optical heart sensor, sinusuri nito ang galaw ng iyong mga ugat at hihingi ng 30 araw na datos bago magbigay ng alert kung may senyales ng hypertension. Mayroon din itong Sleep Score, kung saan sinusukat ang kalidad ng tulog mo at binibigyan ka ng tips para mas mapabuti pa ito.
Bukod dito, dala ng watchOS 26 ang mga bagong apps tulad ng Notes sa wrist at Live Translation. Ang baterya ay tumatagal ng hanggang 24 oras, at sa 15 minutes fast charging ay may 8 oras ka nang gamit. Available ito sa Jet Black, Silver, Rose Gold, at Space Gray, gawa sa 100% recycled aluminum. Presyo: ₱26,490.
Kasabay din inilabas ang Apple Watch SE 3 na may Always-On display, bagong gestures, at sleep score monitoring. May presyo itong ₱15,990. Para naman sa mas matinding gamit, narito ang Apple Watch Ultra 3 na may 5G at satellite connectivity, mas malaking screen at 42-hour battery life. Gawa ito sa recycled titanium at may presyong ₱54,990.
Available na ang mga bagong smartwatch sa Sept. 19, at pwede nang mag-pre-order ngayon.