Isang 1966 AC Cobra 4.7-Liter Two-Seat Competition Hardtop Coupé ang itinuturing na isa sa pinaka-legendary race cars. Bihira at puno ng kasaysayan, inaasahang aabot ang presyo nito hanggang ₱152 milyon sa isang paparating na auction ngayong Setyembre 2025.
Hindi lang ito simpleng classic car. Isa ito sa dalawang ipinadala sa 1963 24 Hours of Le Mans. May chassis number CS 2131, na matagal na nawala sa talaan, pero nakumpirma muli gamit ang forensic analysis noong 2024.
Noong Le Mans, pinatakbo ito nina Ninian Sanderson at Peter Bolton mula sa AC Cars factory team. Sa tulong ng aluminum hardtop roof, umabot ito ng 160 mph sa Mulsanne Straight, nakatakbo ng 2,592 miles, at nagtapos sa ikapitong puwesto.
Ngayon, ang kotse ay nasa klasikong Bell & Colvill livery at may 440 hp, 4.7-liter V-8 engine. Itinuturing ito na isa sa pinaka-original na natirang AC/Shelby American Cobras, kaya’t napakabihira ng pagkakataong maipagbili ito muli.