
Ang NBA veteran na si Jeremy Lin ay nag-anunsiyo ng kanyang pagretiro mula sa professional basketball sa pamamagitan ng Instagram nitong Sabado ng gabi.
"Isang karangalan na makipaglaro laban sa pinakamahuhusay at maipakita kung ano ang kaya ng isang tulad ko," ani Lin. "Naabot ko ang aking mga pangarap bilang bata at nag-enjoy sa bawat laro sa harap ng fans sa buong mundo."
Nagpasalamat si Lin sa lahat ng sumuporta sa kanya, sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay, at sa pagtulong sa kanya sa mga mababang punto. Sinabi niya na bagama’t ayaw niyang matapos ang kanyang career, alam niyang oras na para magpahinga.
Si Lin ay may 9 na taong karera sa NBA. Nagsimula siya sa Golden State Warriors, ngunit sumikat siya sa New York Knicks sa panahon ng tinaguriang "Linsanity," kung saan umabot siya ng 23.9 puntos at 9.2 assists sa bawat laro sa 11 laro, kasama ang career-high na 38 puntos laban sa Lakers.
Sa kabuuan, ang kanyang NBA career ay may average na 11.6 puntos, 4.3 assists, at 1.1 steals. Naglaro rin siya sa iba't ibang teams at nakamit ang kanyang NBA title noong 2019.