Ang P14 bilyong halaga ng flood control projects sa Maynila ay iniimbestigahan matapos mabigo na solusyunan ang matinding pagbaha sa lungsod. Ayon kay Mayor Isko Moreno, mahigit 200 projects mula 2022 hanggang 2025 ang natapos na, pero nananatiling binabaha ang Maynila.
Sinabi ni Moreno na wala umanong permit mula sa lokal na pamahalaan ang mga proyekto. Dagdag pa niya, “Bumaha ng pondo para sa flood control, pero patuloy pa ring nahihirapan ang mga tao sa Maynila.”
Ibinahagi rin ni Moreno ang breakdown ng halaga sa bawat distrito: District 1 – ₱3.4B, District 2 – ₱2.059B, District 3 – ₱4.2B, District 4 – ₱1.3B, District 5 – ₱1.1B, at District 6 – ₱2.06B.
Nilinaw ng alkalde na ang mga nabanggit ay dating proyekto pa lamang. Mayroon pang 112 bagong flood control projects na ginagawa ngayon, ngunit wala ring kaukulang permit at hindi nagbabayad ng regulatory fees at contractor tax sa lokal na pamahalaan.
Ang imbestigasyon ay nagpapatuloy upang malaman kung bakit hindi naging epektibo ang mga proyektong ito kahit gumastos ng napakalaking pondo.