
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpatupad ng total ban sa gambling links sa mga e-wallet. Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., binigyan ng 48 oras ang mga platform para alisin ang mga link at ang iba na nahuli ay nakatanggap ng cease-and-desist order bago tuluyang sumunod.
Bawal na ang mga gambling merchants sa e-wallet apps dahil ito ay may risk sa money laundering at iba pang illegal na aktibidad. Aminado ang BSP na bababa ang kita ng mga e-wallet companies dahil malaking bahagi ng income nila ay galing sa online gambling.
Remolona sinabi na kung hindi ito maayos, posible ulit na maapektuhan ang pagkakatanggal ng Pilipinas sa FATF gray list. Gayunpaman, tiniyak niya na maaayos ang issue at patuloy ang pag-aaral ng BSP ng karagdagang safeguards.
Sa isang summit, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang panganib ng online gambling at digital fraud. Aniya, ang pagtigil ng gambling access sa e-wallets ay makakatulong na protektahan ang mga Pilipino at ang integridad ng financial system ng bansa.
Samantala, binigyang-pansin din ni Remolona ang panganib ng political pressure sa kalayaan ng mga central banks, na maaring makaapekto sa kanilang mga desisyon sa monetary policy.