
Ang totoo, hindi ko akalaing mangyayari sa’kin ‘to. 24 years old ako noon, bagong hiwalay sa long-time partner ko. Sobrang sakit ng pinagdaanan ko kaya naisip kong baka mas okay kung makikipagkilala ulit ako ng bago — hindi para maghanap agad ng kapalit, pero para lang malibang at makausap ang ibang tao. Single naman ako, kaya wala namang masama… ‘di ba?
Isang araw, bigla kong naisip ang isang FB friend. Matagal ko na siyang crush — lagi kong napapansin posts niya, stories niya, at simpleng aura niya na parang ang gaan kausap. Noon pa lang, nagagandahan na ako sa kanya. Kaya sabi ko sa sarili ko, “Bakit hindi ko subukan?” Wala na akong paligoy-ligoy, first move agad ako. Ganun kasi talaga ako — kung gusto ko, gagawan ko ng paraan. Same age kami, may stable job, professional, morena, simple pero maganda kahit walang make-up. Sa totoo lang, parang siya yung ideal type ko.
Pagkatapos ng ilang araw ng tuloy-tuloy na chat, nag-decide kaming magkita para makita kung magka-vibes ba talaga kami. Hindi kami nagpunta sa mamahaling resto o sosyal na lugar. Late night lang, nag-coffee date kami gamit camping chairs sa tabi ng kotse ko. Tahimik yung paligid, malamig ang hangin, at sakto lang para magkuwentuhan ng maayos. Ang gaan ng usapan, walang awkward moments, at ramdam ko na mas lalo kaming naging interesado sa isa’t isa. Pareho kami ng pananaw sa buhay, kaya sa isip ko, “Gusto ko na siyang i-pursue… girlfriend material talaga siya.”
Lumipas ang ilang araw, siya pa mismo ang nagyaya na magkita ulit. Saturday yun, pareho kaming off, kaya nagkita kami after ng lakad niya with friends. Medyo late na, kaya napagdesisyunan naming mag-coffee date ulit. Pagkatapos ng usap, ihahatid ko na sana siya pero bago ko i-start yung kotse, biro kong nilapit yung mukha ko at sabi, “Next time na lang ulit pag free tayo, ha?” Akala ko tatawa lang siya, pero ang sagot niya, “Bakit di mo tinuloy?” Doon ako nagulat. Bigla niyang hinawakan yung mukha ko at hinalikan ako. Syempre, nag-kiss back ako — hindi ko na rin napigilan kasi andoon na yung moment.
Maikli lang yung kiss namin kasi walang tint yung kotse. Gusto ko pa ring magpakaginoo kaya sabi ko, “Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Pero ang sagot niya, “Okay lang. Ako na bahala. Dalhin mo ako kung saan mo gusto.” At doon na nga… alam mo na ang sumunod na nangyari. Kinaumagahan, habang naka-cuddle kami, puro assurance at future plans ang sinasabi niya para sa amin. Sweet, sobra. Pero sa loob-loob ko, may kumakain sa isip ko: “What if nagawa niya na rin ito sa iba?” o “What if pag naging kami, may ma-meet siyang mas better sa’kin, at mangyari sa akin yung nangyari sa iba?”
Hindi ko alam kung mali ako sa pag-iisip ng ganun, pero hindi ko maiwasan. Sa totoo lang, ayoko siyang husgahan kasi wala naman akong ebidensya. Pero siguro dala na rin ng insecurities ko at ng fresh pa na heartbreak ko, unti-unti akong naging cold. Nawalan ako ng gana kahit wala naman siyang ginagawang mali. Hanggang sa dumating sa point na napagdesisyunan naming itigil na lang.
Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin yung buong pangyayari. Alam kong may pagkukulang ako. Siguro kung mas nagtiwala ako, iba ang ending namin. Pero kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko noon… anong iisipin mo? Magtitiwala ka ba agad, o magiging katulad ko rin na puno ng tanong at alinlangan?