
Ang buhay mag-asawa namin ay halos perpekto. Ako ay 30, isang sundalo, at ang aking asawa ay 29, isang English at Science teacher. Isa siyang Ilocana na sobrang ganda, head-turner, classy, at conservative. Ako ang first niya sa lahat — pati unang halik namin nangyari lang sa honeymoon. Sobrang bait at maasikaso niya. Laging sariwa ang pagkain ko, hindi fast food. Pati uniform ko, hindi niya hinahayaan na ipa-machine wash — laging handwash at plantsado. Maayos siyang manamit, lalo na sa public. Mahal na mahal ko siya… pero may kulang.
May mababang seggs drive ang asawa ko. Hindi niya ako tinatanggihan, pero simple lang siya sa kama. Walang adventure, walang BJ, walang kain, at hindi ko siya mapilit. Nahihiya ako kasi parang nai-intimidate ako sa kanya. Ako naman, clingy at may malakas na desire. At dahil doon, nagawa ko ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay ko: nangaliwa ako.
Nakilala ko yung girl na sales clerk malapit sa trabaho. Alam niyang may asawa ako, nakita niya pa yung singsing ko. Pero nangyari pa rin. At doon ko nahanap yung bagay na hindi ko makuha sa asawa ko. Pero mula noon, hindi ko na kayang tumingin sa mata ng asawa ko. Isang buwan na akong nilalamon ng guilt. Hindi ako makapagpatawad sa sarili ko.
Gusto kong umamin. Pero baka iyon na ang katapusan namin. Noon nga, nag-away lang kami at nakapagsabi ako ng mura sa chat, agad niya akong iniwan at sobrang hirap kong ibalik ang tiwala niya. Paano pa kaya ngayon na mas mabigat ang kasalanan ko? Pero kung mananahimik ako, parang unti-unti akong namamatay sa konsensya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Aamin ba ako at harapin ang galit niya, kahit na baka tuluyan niya akong alisin sa buhay niya? O itatago ko ito habang kinakain ako ng sariling kasalanan araw-araw?