
Ang mga kamag-anak ng nawawalang sabungeros ay nagsampa ng murder at serious illegal detention laban kay negosyanteng Atong Ang at kanyang mga kasama, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa isang press conference nitong Agosto 1, kinumpirma ni DOJ Secretary Boying Remulla ang reklamo laban kay Ang. May isang key witness na nagpatunay na si Ang ang mastermind at pinuno ng grupo na sangkot sa krimen.
Ayon kay Remulla, ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan ay bihira sa ganitong kaso dahil malalim ang pagkakasangkot niya sa sindikato. Dagdag pa niya, dapat pahalagahan ang tapang nito na isiwalat ang katotohanan.
Isa sa mga kapatid ni Patidongan ay nasangkot din matapos mahuli habang nagwi-withdraw mula sa account ng isa sa nawawalang sabungeros. Sinasabi rin na nakita ng kapatid kung paano pinatay ang higit 10 sabungeros.
Tinukoy ni Remulla si Ang bilang “main player” dahil siya ang employer ni Patidongan. Ang pera umano ni Ang ang ginamit pambayad sa mga kontratista at ilang pulis. Sinabi ni Remulla na mahalaga ang patas na paglilitis para makamit ang hustisya.