Carlo Biado, 41-anyos na Filipino cue artist, muling gumawa ng kasaysayan matapos talunin si defending champion Fedor Gorst, 15-13, sa final ng World 9-Ball Championship nitong Linggo ng umaga (oras sa Maynila).
Dating nagkampeon si Biado noong 2017, at ngayon siya ang unang Pinoy na nakakuha ng dalawang World 9-Ball titles. Nagsimula siyang mahirap matapos manalo si Gorst sa unang dalawang racks. Pero umatake si “The Black Tiger” at nanalo ng siyam na sunod-sunod na racks, 9-2. Bumawi si Gorst at itinabla ang iskor, 9-9.
Sa huling bahagi ng laban, lumamang si Biado ng 13-9 pero muling humabol si Gorst at naging 13-all. Sa 27th rack, nagkamali si Gorst at napunta ang bola kay Biado para makuha ang 14-13. Tinapos ng Pinoy ang laban sa ika-28 rack at sumigaw ng tagumpay matapos ishoot ang 9-ball. Ayon kay Biado, “Hindi pa rin ako makapaniwala. Dalawang beses na akong World Champion at proud akong iuwi ito para sa Pilipinas.”