Ang pamangkin ni Jisoo ng Blackpink ay mag-aaral dito sa Pilipinas. Sa isang Instagram post ng kanyang ate na si Ji-yoon, makikita si Minsung, ang anak niya, habang nasa airport patungong Pilipinas.
“Enjoy studying in the Philippines, Minsung,” sabi ni Ji-yoon sa caption, kalakip ang eroplano, puso, at bandila ng Pilipinas na emoji. Ibinahagi rin niya ang litrato ni Minsung habang niyayakap ang ama bago pumasok sa airport.
Dating flight attendant si Ji-yoon pero tumigil sa trabaho matapos niyang manganak ng dalawang anak. Ngayon ay isa na siyang lifestyle influencer.
Noong Marso, nagkaroon ng unang solo fan meet si Jisoo sa Pilipinas. Sa darating na Nobyembre, magkakaroon din ng concert ang Blackpink sa Philippine Arena sa Bulacan kasama sina Lisa, Jennie, at Rosé.