
Ang Bise Presidente Sara Duterte ay nagbabala laban sa kumakalat na larawan ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na makikitang nakahiga sa ospital bed. Ayon sa kanya, edited ang larawan at hindi iyon ang totoong kalagayan ng kanyang ama.
Sinabi ni Sara na hindi nasa ospital ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang ama kundi nasa regular na wing nito. “Kanina lang ay naglalakad siya, may tungkod pero malinaw na hindi siya may sakit,” ani ng Bise Presidente.
Dagdag pa ni Sara, malaki ang ibinaba ng timbang ng kanyang ama pero nananatiling makinis at hindi lawlaw ang mukha nito. Biniro pa niya ang kanyang ina, “Siguro dahil may inner glow siya. Payat pero mukhang maayos pa rin.”
Iminungkahi rin ni Sara na maaaring humiling sa abogado ng kanyang ama kung pwedeng maglabas ang ICC ng opisyal na update sa kalusugan ni Duterte at totoong larawan nito.
Matatandaang inaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso sa NAIA at dinala sa ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng drug war. Nakatakdang simulan ang hearing ng kanyang kaso sa Setyembre 23, 2025. Ayon sa datos, humigit-kumulang 6,000 katao ang namatay sa kampanya laban sa droga, ngunit ayon sa mga tagamasid ng karapatang pantao, ito ay maaaring umabot sa 12,000 hanggang 30,000.