
Ang mga lisensyadong online gambling operator sa Pilipinas ay humiling ng mas mahigpit na regulasyon sa halip na total ban. Ayon sa kanila, ang pagbabawal ay hindi makakapigil sa mga Pilipinong sumubok maglaro, bagkus ay itutulak lang sila sa black market kung saan walang batas at proteksyon.
Giit ng mga operator, may mahigpit na safety features na sila tulad ng multi-factor authentication, age verification na 21 pataas, at oras na binabantayan para sa mga posibleng masyadong nalululong. Bukod pa rito, ang legal na online sugal ay nagbibigay ng trabaho, kita sa gobyerno, at pag-unlad sa teknolohiya. Noong 2024, umabot ng P54 billion ang bayad sa lisensya ng PAGCOR, ayon sa kanila.
Sabi pa ng mga operator, ang tunay na kalaban ay ang mga illegal na operator na hindi sumusunod sa batas. Hindi sila tutol sa mas mahigpit na patakaran, bagkus ay bukas silang sumunod dito. Nanawagan sila ng mas mabilis na pagsasara ng illegal sites, mas malinaw na patakaran sa responsableng paglalaro, at mas malawak na edukasyon sa publiko tungkol sa ligtas na online gaming.