
Ang dating Supreme Court Justice na si Antonio Carpio ay nagpaliwanag kung paano puwedeng makuha ang bank records ni Vice President Sara Duterte kung umabot sa impeachment trial. Ayon sa kanya, may dalawang paraan para ito gawin.
Isa sa mga paraan ay ang paggamit ng Republic Act 1405 o Bank Secrecy Law. Bagamat sinasabi ng batas na confidential ang bank deposits, may mga exception ito. Kasama dito ang mga kaso ng impeachment o kung kusa ibibigay ng depositor ang pahintulot para silipin ang account.
Sinabi ni Carpio na puwedeng maghain ang House prosecution ng motion para sa subpoena duces tecum. Ito ay utos mula sa korte na maglabas ng dokumento, tulad ng bank records ni Sara Duterte sa BPI.
Aniya, “Ngayon, dahil ito ay impeachment case, natural na maghahain ang prosecution ng subpoena duces tecum para makuha ang bank records ni Sara sa BPI.”
Humarap si Sara Duterte sa impeachment noong Pebrero. Ayon sa reklamo, may higit P2 bilyon na dumaan sa mga joint account nila ng ama niyang si Rodrigo Duterte mula 2006 hanggang 2015.