Ang nakakalitong signage sa South Luzon Expressway (SLEX) na pareho ang nakasulat na “Alabang Exit” ay umani ng tawa at reklamo online. Makikita sa larawan na ibinahagi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa Facebook noong Hunyo 25, 2025 ang dalawang karatula na parehong may label na Alabang pero magkaiba ang dinadaanan.
Marami ang natawa at naguluhan sa signage. Isang videographer ang nag-post sa Facebook at sinabing parang may “patch update” na raw sa SLEX. Umabot ito ng libo-libong reactions at shares. Si content creator Macoy Dubs naman ay nagkomento na mas lalong nakakalito ang bago nilang karatula.
Nilinaw ni Mayor Biazon na hindi ang lokal na pamahalaan ang naglagay ng mga sign kundi ang private operator ng SLEX. Ayon sa kanya, matagal na raw nakatayo ang karatula pero ngayon lang napansin. Nang dumaan siya ulit, napansin niyang pinalitan na ito pero mas nakakalito dahil parehong Alabang ang nakalagay at napakaliit ng text na direksyon.
Nag-assure si Biazon na makikipag-ugnayan sila sa SLEX operator para ayusin ito. Sinabi niya na importante ang malinaw na signage para hindi malito ang mga motorista at maiwasan ang aksidente.