
Ang trahedya ay naganap sa Tagaytay City, Cavite nitong Martes ng madaling-araw kung saan tatlo ang nasawi at lima ang sugatan matapos ang banggaan ng kotse at van sa Bypass Road, Barangay Zambal.
Lulan ng kotse ang mga namatay kabilang ang driver, ang kanyang buntis na pasahero, at isa pang lalaking hindi pa nakikilala. Ayon sa pulisya, ang buntis ay papunta sana sa ospital para sa check-up.
Ang van na bumangga ay sakay naman ng limang kabataan na may edad 17 hanggang 18. Ayon sa imbestigasyon, lasing umano ang grupo at kakagaling lang sa inuman matapos ang kanilang high school graduation.
“Nag-inom tapos nag-road trip, nagyayabang pa, pagewang-gewang ang takbo,” ayon kay PLtCol. Jefferson Ison, hepe ng Tagaytay police.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga sugatan. Ang driver ng van ay posibleng makasuhan ng multiple homicide, damage to property, at physical injuries.