
Ang T-ARTS mula sa TAKARA TOMY ay may bagong Gachapon para sa mga tagahanga ng Sanrio — ang "Cinnamoroll Sky Color Charms" o sa Japanese, May presyo itong 300 yen bawat ikot at ilalabas na sa unang linggo ng Hulyo 2025 sa Japan.
May apat na disenyo ang bagong keychains na ito, na base sa iba’t ibang kulay ng langit sa maghapon. Kasama sa mga kulay ang:
Dawn Pink – kulay ng langit sa madaling araw
Blue Sky – kulay ng langit tuwing umaga
Sunset Orange – kulay ng dapithapon
Midnight Navy – malamlam na asul ng gabi
Swak na swak ang mga kulay sa puti at asul na itsura ni Cinnamoroll. Iba-iba rin ang pose at expression niya depende sa oras ng araw, kaya sobrang cute niyang i-display.
May lobster clasp sa itaas at loop sa ibaba ang bawat piraso, kaya puwede mong pagdugtung-dugtungin ang apat na keychains at makita ang kabuuang ganda ng langit mula madaling araw hanggang gabi. Perfect ito para sa mga kolektor!