Ito ang kapalit ng sikat na G733 mula 2020. Mas malaki na ngayon ang ear cups at mas makapal ang memory foam para sa dagdag comfort, lalo na para sa mga mahilig maglaro ng matagal. Gumamit din sila ng mas malambot at matibay na tela, at bagong disenyo ng headband na pantay ang kapit sa ulo – bagay na bagay kahit naka-salamin o may hikaw ka.
Mayroon itong bagong PRO-G drivers na nagbibigay ng high-fidelity audio sa 48 kHz/24-bit – kaya kahit maliliit na ingay sa laro, maririnig mo. May kasama rin itong removable boom mic na may BLUE VO!CE tech, at may mute button na madaling pindutin. Pwede mo ring i-customize ang boses mo gamit ang iba't ibang filter sa G HUB software.
May LIGHTSPEED wireless para sa sobrang bilis at low-latency gaming, Bluetooth para sa flexible na connection, at USB-C kung gusto mo ng wired. Madali rin ang paglipat ng devices, kaya walang abala sa pag-switch.
ang G522 ay resulta ng matinding pag-aaral at engineering para tugunan ang pangangailangan ng modern gamers.
Available na ang G522 LIGHTSPEED sa Logitech G at nagkakahalaga ng ₱9,500 o $159.99 USD.