
Ang sikat na Ichiban Kuji ng BANDAI SPIRITS ay may bagong pasabog! Hatid nito ang pinakabagong koleksiyon para sa anime na SPY×FAMILY -Thanks for being you.- na ilulunsad ngayong Oktubre 2025 sa Japan. Kada bunot ay may halagang 750 yen at siguradong may premyo sa bawat isa!
Tampok dito ang A hanggang H prizes, Last Prize, at mga double chance na panalo! Isa sa mga pinakaabangan ay ang Last Prize: Charmygrade Anya, isang 23cm figure ni Anya na yakap-yakap si Chimera — super cute!
Makukuha rin ang A Prize na “Anya & Bond soft vinyl coin bank,” B Prize na “Two-way tote bag,” at C Prize na “Stylish hugging pillow.” Kasama rin ang mga useful items tulad ng Pong bowl, Bond mug, stickers, coasters, at acrylic keychains.

Mas marami pang detalye ang ilalabas sa mga susunod na buwan. Pero ngayon pa lang, siguradong maraming tagahanga ang excited para sa release na ito!
Abangan ang koleksiyong ito kung ikaw ay fan ni Anya, Bond, at ng buong Forger family. Panigurado, hindi ka mabibigo sa mga premyong hatid ng bagong Ichiban Kuji!