
Ang senador na si Bato dela Rosa ay nagsabing hindi na maaaring ituloy sa 20th Congress ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na sinimulan sa 19th Congress. Ayon sa kanya, base sa kanyang research at pagbasa, hindi na puwedeng "tumawid" sa bagong Kongreso ang usaping ito.
Hindi man siya abogado, paliwanag ni Bato, marami ring senador ang may parehong paniniwala. Isa na rito si Senator Francis Tolentino na nagbigay ng malinaw na pahayag ukol sa isyu. Aniya, independent ang bawat Kongreso, kaya ang anumang nasimulan sa 19th ay hindi obligadong ipagpatuloy ng 20th.
Dagdag pa niya, ang Senado ay kailangang umaksyon kapag na-transmit na ang articles of impeachment, pero ang tanong ay kung may sapat na oras pa ba sa 19th Congress para ito'y isagawa. Kung wala, magiging unfinished business ito at kailangan nang tapusin sa pagtatapos ng kasalukuyang Kongreso.
Nilinaw ni Bato na ang jurisdiction ng 20th Congress sa kasong sinimulan ng 19th ay malaking tanong na tiyak na magdudulot ng matinding debate. Sa ngayon, crucifixion ang tawag ni Sara Duterte sa impeachment, habang nananatiling mainit ang usapin sa Senado.