
Ang sunog sa Sta. Cruz Public Market sa Laguna ay naganap kahapon ng madaling araw, Mayo 23, 2025. Nasunog ang nasa 300 puwesto, karamihan ay dry goods tulad ng tela, damit, at sapatos. Ayon kay Cesar Morfe, hepe ng Sta. Cruz Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy bandang 5:45 a.m. at umabot ito sa ika-apat na alarma.
Dalawang tao ang nasugatan at agad na dinala sa Laguna Medical Center dahil sa tinamong burn injuries. Hindi pa agad nalaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Idineklara ng mga bumbero na "fire out" na ang sunog pagsapit ng 9:41 a.m. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga arson probers para matukoy ang sanhi ng sunog.
5479ek