
Ang dalawang sari-sari store sa Barangay Valladolid, Carcar City, Cebu ay tinupok ng apoy kaninang umaga, Mayo 20, bandang 6:00 a.m.
Ayon sa Carcar City Fire Station, itinaas sa first alarm ang sunog pero agad ding naapula at idineklarang fire out sa oras na 6:12 a.m.
Tinatayang P81,000 ang kabuuang pinsala sa ari-arian. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Naganap ang insidente sa Diversion Road, Padre Paking Street. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Paalala sa publiko: laging maging maingat sa paggamit ng kuryente at mga gamit na madaling magliyab upang makaiwas sa sakuna.