
Ang unang beses ko siyang nakita ay sa school terrace, eksaktong 12:36 ng hapon. Wala akong pakialam sa paligid, pero nahumaling ako agad sa kanya—lalo na sa nunal niya sa labi, ‘yun ang tipo ko. Medyo masungit pa ako noon kaya di ko siya pinansin. Ilang araw ang lumipas, nakatanggap ako ng friend request sa Facebook mula sa isang babaeng hindi ko kilala. Nang buksan ko ang profile picture, siya pala ‘yung nakita ko sa terrace! Kaya agad ko siyang in-accept at nag-reply sa chat niya.
Simula noon, lumalim ang pagkakaibigan namin. Doon ko nalaman na dapat ay Grade 10 na siya, kaso madalas silang lumipat ng bahay kaya apektado ang pag-aaral niya. Dahil sa mga kwento niya, mas nakilala ko siya, hanggang sa nagka-label kami at niligawan ko siya. Hindi nagtagal, sinagot niya ako, at doon nagsimula ang relasyon namin. Kahit may mga tsismis tungkol sa kanya, pinili kong hindi makinig—basta mahalaga, alagaan ko siya at nasa tabi niya ako.
Lalo pang naging matatag ang relasyon namin nang isinama niya ako sa bahay nila. Ilang buwan ang lumipas, ipinakilala ko rin siya sa pamilya ko. Hanggang isang araw, nag-open up siya ng isang mabigat na sikreto—ayaw na niyang tumira sa bahay ng step grand uncle niya dahil inuulit-ulit siyang ginagahasa nito. Gusto na niyang makalayo, kaya tinanong niya ako kung kaya ko siyang iligtas. Nang marinig ko ang kwento, nag-init ang ulo ko, gusto ko na agad sugurin ang lalaki, pero pinakalma niya ako.
Maya-maya, humiling siya na sana mabuntis ko siya, dahil ‘yun lang daw ang nakikita niyang paraan para hindi na siya galawin. Pumayag ako—dahil pareho naming ginusto at nagtiwala kami sa isa’t isa. Pagkalipas ng ilang araw, pumasok kami sa school nang magkasama—masayahin siya, sobrang kulit at kwela, kaya natuwa ako. Pero pauwi na kami, napansin kong tahimik siya, walang gana kumain, at parang may iniisip. Pag-uwi namin, hinalikan ko siya bago kami naghiwalay.
Pagdating ko sa bahay, nag-message siya ulit, at sinabing sinubukan na naman siyang galawin pero hindi natuloy. Maya-maya, nagpaalam siyang maghuhugas ng plato. Naghintay ako ng reply pero hindi na siya bumalik online. Hanggang sa mag-chat ang tita’t pinsan niya, nawawala raw siya. Nagtulungan kami sa paghanap at nang makita siya, nakasabit na siya at wala nang buhay. Para akong tinuhog sa puso, umasa akong mabubuhay pa siya. Itinakbo namin siya sa ospital, pero huli na ang lahat.