Ang isang pusa na may dalang droga ay nahuli malapit sa Pococi Penitentiary sa Costa Rica noong gabi ng Mayo 6, 2025. May nakakabit na dalawang pakete sa katawan ng pusa nang ito ay madampot ng mga opisyal.
Ayon sa Facebook post ng kulungan, napansin ang itim at puting pusa na may gray patches sa isang bahagi ng kulungan. Agad itong hinuli ng mga bantay para tingnan kung anong dala nito.
Pagkacheck, nakita nilang may 235.65 grams ng marijuana, 67.76 grams ng crack paste, at 2 piraso ng papel na ginagamit para sa paggawa ng ticket. Nakumpiska ang lahat ng droga.
Tinawag ng netizens ang pusa na "Narcomichi" (short for narco kitten) at mabilis itong nag-trending sa social media.
Ang pusa ay dinala sa National Animal Health Service (SENASA) para sa health check-up at proper care.