Ang isang bagong silang na sanggol na babae ay natagpuang nakasilid sa sako at iniwan sa tabi ng nitso sa sementeryo. Ayon sa video ng Kietots 2.0 sa Facebook, narinig ang malakas na iyak ng sanggol kaya agad itong nakita ng mga residente.
Maririnig sa video ang iyak ng sanggol habang nasa loob pa siya ng nakataling sako. Agad na kinuha ng mga residente ang sako at dinala ito sa mas maluwag na lugar.
Nang buksan ang sako, nakita ang sanggol na nakabalot sa asul na tela at may shorts na nakatakip sa kanyang mukha. Halatang bagong panganak pa lamang ang bata.
Marami ang nalungkot at nagalit sa nangyari. Ayon sa isang netizen, “Grabe ang gumawa nito. Buti na lang buhay pa si baby. Sana makarma ka!” May isa ring nagsabi, “Kawawa si baby. Buti may nakakita. Sana okay na siya.”
Ang insidente ay nagdulot ng malawak na simpatya mula sa mga netizen. Umaasa ang marami na ang sanggol ay makakatanggap ng maayos na alaga at pagmamahal mula sa mga awtoridad o mabubuting tao.