
Ang halalan sa Pilipinas ay naging labanan sa pagitan ng pamilya Marcos at Duterte. Sa kasalukuyang bilang ng boto, lamang ang kampo ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., pero sa Davao City, nanalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor, kahit nakakulong siya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Nakuha niya ang 62% ng boto.
Ang mga taga-Davao ay patuloy na sumusuporta sa kanya. Kahit wala siya sa lungsod, sinabi ng ilan na boto pa rin sila kay Duterte dahil sa tiwala nilang makakatulong siya sa bayan. Bumalik siya sa puwesto bilang mayor matapos ang 37 taon.
Ang anak niyang si Sebastian “Baste” Duterte, na dating mayor ng Davao, ay nanalo bilang vice mayor. Siya ang pansamantalang hahawak sa pamahalaan habang nakakulong ang ama. Ang panganay na anak na si Paolo Duterte ay nanalo ulit bilang kinatawan sa Kongreso.
Sa kabilang banda, hindi ganoon kaganda ang naging resulta para sa kampo ni Vice President Sara Duterte. Sa 12 bagong senador, limang kandidato mula sa kampo ni Marcos ang pasok, habang dalawa lang mula sa grupo ni Sara Duterte. Nahaharap si Sara sa isang impeachment trial sa Senado sa Hunyo at kailangan niya ng suporta ng 9 senador upang hindi matanggal sa puwesto.
Ang halalan ngayon ay hindi lang tungkol sa mga lokal na posisyon, kundi may malaking epekto rin sa susunod na halalan sa 2028. Maraming Pilipino ang bumoto base sa kung sino ang makakatulong sa kanila at hindi magpapahirap sa mamamayan.