
Ang Sampaloc-Lucban Road ay panandaliang isinara ngayong araw, Mayo 8, 2025, dahil sa isang landslide na naganap sa bahagi ng Barangay Sampaloc sa lalawigan ng Quezon.
Lahat ng uri ng sasakyan ay pansamantalang hindi pinapayagang dumaan sa nasabing kalsada habang isinasagawa ang paglilinis at pagsusuri ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Pinapayuhan ang mga biyahero na humanap ng alternatibong ruta at sumunod sa mga abiso ng mga otoridad para makaiwas sa abala.
Ang mga residente sa lugar ay pinaalalahanang maging alerto at makinig sa mga balita mula sa lokal na pamahalaan ukol sa mga update.
Maglalabas ng karagdagang impormasyon ang mga kinauukulan sa sandaling maging ligtas na ulit ang kalsada para sa pagdaan ng mga sasakyan.