Ang mahigit 14,000 na Move It riders ay posibleng mawalan ng trabaho matapos bawasan ng LTFRB ang bilang ng kanilang mga motorsiklo. Mula sa dating bilang, pinayagan lang silang mag-operate ng 6,836 na units.
Umapela si Rep. Rodge Gutierrez ng 1-Rider party-list sa LTFRB na pag-isipan muli ang ipinatupad na one-year moratorium sa mga bagong riders ng Move It.
Ayon kay Gutierrez, malaking epekto ito sa mga masisipag na riders na umaasa sa hanapbuhay na ito. Dagdag pa niya, nagbibigay sila ng mahalagang transportasyon para sa mga mamamayan.
Ipinaalala rin ni Gutierrez na lalo nang kailangang maisabatas ang motorcycle taxi bill, na naaprubahan na sa House of Representatives.
Balak nilang kausapin ang Department of Transportation para suriin ang naging desisyon ng LTFRB.