Biyernes, Pebrero 27, 2026
GR GLAMRITZ
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • EN
  • TL
No Result
View All Result
GR GLAMRITZ
No Result
View All Result

Trillion Peso March: Panawagan ng Pananagutan

5
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Libo-libong mamamayan ang nakiisa sa ikatlong yugto ng Trillion Peso March kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa rehimen ni Ferdinand Marcos Sr. noong 1986. Mula EDSA Shrine patungong People Power Monument, nagmartsa ang iba’t ibang sektor kabilang ang mga religious group at political leaders upang ipahayag ang kanilang panawagan para sa pananagutan at transparency sa pamahalaan.

Ayon kay Francisco Aquino-Dee ng TINDIG Pilipinas, mahalagang papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa umano’y malawakang katiwalian. Iginiit din ni Leila de Lima na nananatiling malaya ang mga tinaguriang “big fish” sa likod ng mga kuwestiyonableng proyekto, at dapat tiyakin na may konkretong aksyon laban sa korapsyon, human rights violations, at mga unresolved EJK cases. Para sa mga dumalo, hindi sapat ang paggunita—kailangan itong samahan ng malinaw na hakbang tungo sa reporma at hustisya.

Nakiisa rin ang mga madre mula sa Daughters of St. Paul, na kilala sa kanilang makasaysayang papel noong 1986. Ayon kay Sister Josephine Tablante, ang kanilang presensya ay simbolo ng pagkakaisa at pagtindig para sa katotohanan. Samantala, muling nagbalik ang ilang beterano ng EDSA upang ipaalala sa kabataan ang kahalagahan ng demokrasya at aktibong pakikilahok sa lipunan, lalo na sa panahon ng mga hamon sa pamamahala.

Binigyang-diin ni Pablo Virgilio David na ang EDSA ay isang “unfinished business.” Bagama’t naibalik ang demokrasya at naitatag ang mga institusyon, nananatiling hamon ang ganap na pagpapatupad ng mga probisyon laban sa political dynasty at katiwalian. Aniya, ang tunay na people power ngayon ay hindi lamang pagrarally kundi ang masusing pagmomonitor sa mga proyekto ng gobyerno. Para sa mga nagmartsa, malinaw ang mensahe: ang politika ay hindi negosyo kundi serbisyo publiko, at ang kapangyarihan ay nananatili sa kamay ng sambayanang Pilipino.

Tags: Nation
ShareTweetShare
Previous Post

NBI binuwag cybercrime hub sa Pampanga, 14 huli

Next Post

EDSA 40: Villegas Urges Pinoys to Reclaim True People Power

Next Post
EDSA 40: Villegas Urges Pinoys to Reclaim True People Power

EDSA 40: Villegas Urges Pinoys to Reclaim True People Power

  • Advertise
  • Privacy & Policy

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic

No Result
View All Result
  • HOME
  • GAME NEWS
  • MOVIES
  • FORTUNE
  • EMOTION
  • Toy / Animation
  • 3C
  • LIFESTYLE
    • Headline News
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC
    • TECH
  • CASINO REVIEWS
    • CASINO REVIEWS
    • SlotGames
    • LottoLottery

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic