
Trahedya sa tren ang yumanig sa southern Spain nitong Linggo nang magbanggaan ang dalawang high-speed trains, na may daan-daang pasahero. Ayon sa mga emergency services, 21 katao ang namatay habang higit sa 70 ang sugatan.
Ang aksidente ay nangyari nang ang isang tren mula Malaga patungong Madrid ay derail malapit sa Adamuz at tumawid sa kabilang track, na bumangga sa isa pang tren na paparating. Parehong na-derail ang dalawang tren, iniulat ng Adif, ang Spanish rail authority.
Ayon sa isang opisyal ng pulisya, unang iniulat na 5 ang patay, ngunit kalaunan ay tumaas ang bilang sa 21. Si Antonio Sanz, pinuno ng emergency services sa Andalusia, ay nagsabi na 73 katao ang sugatan, at maaaring umabot sa 100 dahil may mga pasaherong na-trap sa loob ng mga carriages.
Ang mga saksi ay nagsabing baligtad at baluktot ang mga carriages, kaya’t mahirap iligtas ang mga tao. "Kailangan naming tanggalin muna ang patay bago maabot ang buhay na pasahero," sabi ni Francisco Carmona, pinuno ng mga bombero sa Cordoba. Isa pang saksi ang nagsabi na ang impact ay parang "lindol", kaya't kinailangan nilang gumamit ng emergency hammers para makalabas.
Ang mga high-speed rail services sa ruta ng Madrid-Cordoba-Seville-Malaga-Huelva ay suspindido sa buong Lunes. Inihanda na ng Adif ang mga rescue at support areas sa major stations para sa mga pamilya ng biktima. Ang hari at reyna ng Spain, sina Felipe VI at Letizia, ay nagpakita ng malalim na pakikiramay sa mga nasawi at mga sugatan.




