
Ang kamag-anak ng nawawalang sabungeros humiling sa Department of Justice nitong Lunes na isama si Gretchen Barretto at iba pang indibidwal sa kidnapping cases laban kay Charlie “Atong” Ang. Kasama sa listahan ang mga anak ni Ang at ilang opisyal ng pulisya.
Sa kanilang motion for partial reconsideration, nais ng mga kamag-anak na ma-indict ang mga sumusunod para sa kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention: Eric Dela Rosa, Engr. Celso Salazar, Mayor Arjay Mea, William Ang, Gretchen Barretto, at iba pa. Ayon sa kanila, ang kilos ng mga nasabing indibidwal ay nagpapakita ng prima facie case na nararapat dalhin sa trial.
Para kay Jaja Pilarta, bukod kay Barretto, nais niyang isama sina Roberto Matillano, Virgilio Bayog, at Johny Consolacion, na nakita sa Manila Arena nang mawala ang kanyang partner na si Jean Claude Inonog. Naniniwala siya na may conspiracy sa likod ng pangyayari at lahat ng kasabwat ay dapat managot.
Pinaniniwalaan din ng mga kamag-anak na ang mga high-profile na miyembro ng Alpha Group ay dapat ding ma-indict. Ayon kay Pilarta, magkakasama sila sa iisang business, kaya alam nila ang nangyayari sa bawat nawawala at posibleng alam kung saan dinala ang mga kaanak ng mga biktima.




