
Ang ulo ng inabandunang sanggol ay natagpuan ng isang tuta sa Purok 10, Lubas 1, Barangay Camp 7, Minglanilla, Cebu noong Lunes ng hapon. Ayon sa pulisya, nakita ng isang residente ang tuta na may dala, kaya nilapitan niya ito hanggang nahulog ang ulo ng sanggol.
Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring inabandona ng hindi kilalang indibidwal ang sanggol. Sinubukan ng mga awtoridad hanapin ang katawan ng sanggol 50 metro mula sa lugar, ngunit hindi na ito nakita. Natagpuan ang ina ng tuta, at may dugo sa bibig ng aso, kaya posibleng nakain ng tuta ang katawan.
Hinahanap na ngayon ng mga pulis ang ina ng sanggol at iba pang posibleng sangkot sa pag-abandona. Ang ulo ng sanggol ay inilipat na sa bone chamber ng Minglanilla Public Cemetery habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.




