Ang Marvel Studios ay naglabas ng bagong teaser ng Avengers: Doomsday, na kumpirmadong magbabalik si Chris Hemsworth bilang Thor kasama ang kanyang adopted daughter na si Love.
Sa trailer, makikitang naglalakad si Thor sa kagubatan habang taimtim na nagdarasal sa kanyang ama na si Odin. Hinihiling niya ang lakas upang talunin ang “isa pang huling kaaway” at makauwi sa kanyang anak — hindi bilang mandirigma, kundi bilang isang ama na magtuturo ng katahimikan, hindi labanan. Ipinapahiwatig nito ang mas madilim at grounded na direksyon ng karakter.
Dumating ang teaser matapos kumpirmahin ang pagbabalik ni Chris Evans bilang Steve Rogers. Ang pelikula ay idinirek ng Russo Brothers at inaasahang ipapalabas sa mga sinehan sa December 18, 2026.
Tags: Movie




