
food at shopping bazaar na naglalayong ibalik ang turismo sa lugar. Tampok dito ang street food, comfort food, damit, laruan, at handmade goods. May photo booth at live music rin para sa kasiyahan ng lahat.
Ayon kay Victor de La Riva, manager sa entertainment ng LaVie, “Malate dati ay kilala sa nightlife at turismo. Gusto naming ibalik ang dating sigla at akitin ang mga turista dito.

Maraming dayuhang turista ang bumisita at natuwa sa variety ng pagkain at aktibidad. Isang pamilya mula sa Michigan ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa bazaar. “Masaya, maraming pagkain at shopping,” sabi ni Katarina Rothmorn.
Para sa mga local vendors, malaking tulong ang bazaar lalo na sa pagkilala ng kanilang produkto. Ayon kay Nahumi Makiling ng ENSS Shop, “Marami nang resellers at dumami ang market namin mula Cavite, ngayon Manila na rin.”
Sa dami ng bumibisita tuwing weekend, naniniwala ang organizers at vendors na makakatulong ang steady crowd na ito sa pagbangon ng Malate bilang isang sikat na destinasyon sa Manila.




