
Ang pabrika at bodega ng juice sa Barangay 95, Caloocan City ay tinupok ng sunog pasado alas-4 ng umaga noong Linggo, December 21.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kaya rumesponde ang mahigit 20 fire trucks at fire volunteers upang apulahin ang apoy.
Nahirapan ang mga bumbero dahil sa dami ng flammable materials tulad ng plastic at kemikal sa loob ng pagawaan.
Dahil Linggo, walang pasok at caretaker lamang ang nasa loob nang magsimula ang sunog. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakalikas agad ang caretaker kaya walang nasugatan.
Ayon sa ilang nakasaksi, may Christmas party ang mga empleyado noong gabi bago ang insidente. Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala.




