
Ang tatlong tao nahuli sa Caticlan airport matapos gamitin ang pekeng credit card para mag-book ng Cebu Pacific flights.
Ayon sa Cebu Pacific, ginamit ng mga suspek ang nanakaw o hindi awtorisadong credit card para mag-convert ng travel funds, na ibinebenta nila sa Facebook groups gaya ng Cebu Pacific Refund, Cebu Pacific Travel Fund (For Sale), at Cebu Pacific Piso Fare.
Lumipad ang mga suspek mula Davao papuntang Boracay at papabalik sana sa Davao nang sila ay mahuli.
Kinansela ng Cebu Pacific ang lahat ng booking na binili gamit ang pekeng credit card. Pinayuhan din ng airline ang mga pasahero na mag-book lamang sa official website, mobile app, o sa accredited travel partners para siguradong lehitimo ang kanilang tickets.
Pasahero na bibili sa hindi awtorisadong channel ay maaaring ma-problema sa booking, hindi makapag-check-in online, o mawalan ng karapatan sa rebooking at refund kung sakaling may emergency.
